Kasalukuyang ginaganap ngayong araw, ika-4 ng Mayo 2023 ang Balik Pinas Balik Hanapbuhay (BPBH) Seminar dito sa 1Bataan One Stop Service Center for OFWs (1BOSSCO).
Ang nasabing seminar ay pinangunahan ng ating OWWA RWO 3 representative, Kheygel Estrada, sa tulong ng PESO Capitol Bataan.
Mayroong labinlimang (15) benepisyaryo at aktibong miyembro ng OWWA ang dumalo sa BPBH Seminar upang mas malaman at maintindihan ang kaulukulang tulong mula sa OWWA para sa ating kababayan na pasok sa nasabing programa.