Sa tuloy-tuloy nating pagsalubong sa mga Pinoy repatriates galing Sudan, nakauwi ngayong araw ang 74 na Pinoy kung saan 44 dito ay mga OFWs.


Masayang sinalubong ng mga ahensiya ng gobyerno mula sa DFA, DMW at OWWA ang ika-pitong batch ng ating mga kababayan na nanggaling Sudan na nakalikas mula Argeen Border, gitna ng Sudan at Egypt.
Kasama nila sa biyahe si OWWA Administrator Arnell Ignacio na pumunta ng Sudan nitong April 27 para magbigay ng agarang tulong sa ating mga kababayan. Si Admin Arnell din ang siyang sumundo sa kanila mula border hanggang Cairo na halos 15 oras ang biyahe.
Kasamang sumalubong kanina sina Sen. Raffy Tulfo, Chair on Committee on Migrant Workers, DFA Asec. Paul Cortez, DMW Usec. Bernard Olalia, DMW Asec. Jerome Pampolina, at Deputy Administrator Honey Quino.


Tatanggap din sila ng PHP 50,000.00 ng financial assistance, food assistance, hotel accommodation kung kinakailangan habang naghihintay ng kanilang flights patungo sa kanilang probinsiya.